Thesis Title: Filipino – Cebuano: Pagsasaling Komunikatibo sa mga Piling Kuwentong Pambata
172 views 0 purchase
Course
Research Paper
Institution
Pamantasan Ng Lungsod Ng Valenzuela
Book
Essentials of Children\'s Literature
This is my research paper during my college days. It is all about the translation of Philippine children’s stories from Tagalog to Cebuano (vice versa) in a communicative way. I hope it helps even though it is only translated in Filipino language. If you have any questions regarding this paper, y...
Exam (elaborations)CHL2601 Assignment (COMPLETE ANSWERS) 2024•	Course•	Children's Literature - CHL2601 (CHL2601)•	Institution•	University Of South Africa (Unisa)•	Book•	Essentials of Child...
Exam (elaborations)CHL2601 Assignment (COMPLETE ANSWERS) 2024•	Course•	Children's Literature - CHL2601 (CHL2601)•	Institution•	University Of South Africa (Unisa)•	Book•	Essentials of Child...
Exam (elaborations)CHL2601 Assignment (COMPLETE ANSWERS) 2024•	Course•	Children's Literature - CHL2601 (CHL2601)•	Institution•	University Of South Africa (Unisa)•	Book•	Essentials of Child...
All for this textbook (5)
Written for
Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela
Research Paper
All documents for this subject (1)
Seller
Follow
jennierosefajel
Content preview
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Poblacion II, Malinta, Valenzuela City
Filipino – Cebuano: Pagsasaling Komunikatibo sa mga Piling
Kuwentong Pambata
Pananaliksik nina:
del Rosario, Jasmin G.
Fajel, Jennie Rose N.
Gayo, Renz M.
Oktubre 2017
, PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Poblacion II, Malinta, Valenzuela City
1
Kabanata I
ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO
Panimula
Malaki ang impluwensiyang naidudulot ng panitikan sa buhay ng tao,
sapagkat nagagawa nitong mamulat at mabago ang ideya, paniniwala at maging
ang pananaw ng mga mambabasa na siyang nagbubunsod sa lalong ikatataguyod
ng ating lipunan. Nakaangkla ito sa sinabi ni Dr. Zeus Salazar na ang panitikan
ang siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Kung gayon, walang
partikular na uri ng taong binabanggit si Salazar sa pariralang “lakas na
magpapakilos sa lipunan” dahil kahit sino ay maaaring makapagpakilos –
mayaman man o mahirap, babae man o lalaki at kahit maging bata ay maaaring
magkaroon ng ambag sa pag-unlad ng lipunan gamit ang panitikan. Kaya’t
mahalaga na bata pa lamang ay malinang na sa kanila ang pagbabasa ng mga
panitikan gaya ng panitikang pambata.
Ayon sa libro nina Lynch-Brown, C. & Tomlinson, C. (2005) na “Essentials
of Children’s Literature”, ang panitikang pambata ay isang mabisang babasahin
sapagkat nakapaloob dito ang mga makabuluhang paksa na kinahihiligan ng mga
bata. Binigyan ito ng mas malinaw na pagpapaliwanag nina Batnag at Petras
(2009) na “ang panitikang pambata ay puno ng aksyon, gumigising sa
imahinasyon, nakatutugon sa kawilihan ng mga bata, may mga tauhang kilala ng
, PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Poblacion II, Malinta, Valenzuela City
2
mga bata o makauugnay sa mga bata, nagtuturo ng kagandahang asal at
moralidad nang hindi tahasan o tuwiran.” Samakatuwid, ang panitikang pambata
ay kinakailangang nakapupukaw sa interes ng mga bata at nagtataglay ng mga
makabuluhang paksa upang makapaghatid ng aral na magagamit ng bata sa
kanyang lipunan.
Sa ngayon, ang panitikan gaya ng panitikang pambata o kuwentong
pambata ay ginagamit na lunsarang teksto sa pagtuturo ng mga aralin sa pormal
na paaralan. Bago ang kasalukuyang Programang Pang-edukasyon na K to 12
Kurikulum, marami sa mga pantikan ang nakasulat sa wikang Filipino at Ingles
dahil ito ang midyum na ginagamit ng guro sa pagtuturo, ngunit dahil sa
pagkakaroon ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE),
kinakailangan ngayong maglimbag o magsalin ng mga akda na nakasulat sa iba
pang pangunahing wika sa Pilipinas.
Ayon sa Batayang Kurikulum ng programang Mother Tongue-Based
Multilingual Education (MTB-MLE), nilahad nito na:
“MTB-MLE is education, formal or non - formal, in which the
learner’s mother tongue and additional languages are use in the
classroom. Learners begin their education in the language they
understand best - their mother tongue - and develop a strong
foundation in their mother language before adding additional
languages. Research stresses the fact that children with a solid
foundation in their mother tongue develop stronger literacy abilities
in the school language. Their knowledge and skills transfer across
, PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Poblacion II, Malinta, Valenzuela City
3
languages. This bridge enables the learners to use both or all their
languages for success in school and for lifelong learning. In terms
of cognitive development, the school activities will engage learners
to move well beyond the basic wh-questions to cover all higher
order thinking skills in L1 which they can transfer to the other
languages once enough Filipino or English has been acquired to
use these skills in thinking and articulating thoughts.” (mula sa
DepEd K to 12 Curriculum Guide – Mother Tongue series of
December 2013)
Tungo sa pagsasakatuparan ng programang MTB-MLE, mahalaga ang
magiging gampanin ng pagsasaling-wika at upang makapag-ambag, ang mga
mananaliksik ay nakabuo ng isang pag-aaral. Sa pag-aaral na ito, sisikapin ng
mga mananaliksik na isalin ang ilang akdang pampanitikan, partikular ang mga
kuwentong pambata. Nakasentro ang pagsasalin sa kuwentong pambata
sapagkat isa ito sa mga lunsarang teksto na ginagamit sa pagtuturo ng Mother
Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE). Isasalin ito sa komunikatibong
paraan ng pagsasalin mula sa wikang Filipino patungong wikang Cebuano. Pinili
ang wikang Cebuano sapagkat sa lahat ng pangunahing wika sa Pilipinas, ito ang
pinakamalapit sa mga mananaliksik.
The benefits of buying summaries with Stuvia:
Guaranteed quality through customer reviews
Stuvia customers have reviewed more than 700,000 summaries. This how you know that you are buying the best documents.
Quick and easy check-out
You can quickly pay through credit card or Stuvia-credit for the summaries. There is no membership needed.
Focus on what matters
Your fellow students write the study notes themselves, which is why the documents are always reliable and up-to-date. This ensures you quickly get to the core!
Frequently asked questions
What do I get when I buy this document?
You get a PDF, available immediately after your purchase. The purchased document is accessible anytime, anywhere and indefinitely through your profile.
Satisfaction guarantee: how does it work?
Our satisfaction guarantee ensures that you always find a study document that suits you well. You fill out a form, and our customer service team takes care of the rest.
Who am I buying these notes from?
Stuvia is a marketplace, so you are not buying this document from us, but from seller jennierosefajel. Stuvia facilitates payment to the seller.
Will I be stuck with a subscription?
No, you only buy these notes for $44.49. You're not tied to anything after your purchase.